Pinarangalan
si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ng “People
Asia Magazine” bilang isa sa natatanging Pilipino
na nahirang bilang “People of the Year 2007”.
Kinikilala ng People Asia ang mga personalidad sa iba’t-ibang
antas ng lipunan na nagsisilbing inspirasyon sa kanilang
mga kababayan sa pamamagitan ng mga kahanga-hangang gawain
na nakatuon sa ikagagaling ng nakararami at sa pagpapaunlad
ng pamumuhay ng bawat Pilipino. Ang parangal ay ginanap
sa Intercontinental Hotel, Makati City Noong ika-10 ng Enero
2008.
Sa
isang lugar kung saan tinagurian na “Barako Country”,
ay lubos na inirespeto at ipinagpunyagi ang husay ng Ina
ng Lalawigan ng Batangas, na siya ring nagsilbing ilaw at
kauna-unahang Mayor ng Lipa City noong 1998. Mula sa isang
pinagpipitagang aktres sa industiya ng “show business”,
hanggang sa pagiging ulirang ina kina Ryan Christian at
Luis Manzano, pinatunayan ni “Gov. Vi” na hindi
ito balakid sa mithiin niya na mapabuti ang kabuhayan ng
bawat Batagueno at maisulong ang mga reporma ng kanyang
administrasyon na magsisilbing tulay sa kaunlaran ng lalawigan
ng Batangas.
Sa
pagiging Ina ng Lipa, itinaas niya ang antas ng ekonomiya
ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng mataas na kalidad
na edukasyon at trabaho para sa kanyang nasasakupan.
At
sa pagkahalal niya bilang Gobernador ng isang dakilang lalawigan
ng Batangas, haharapin ni Governor Santos- Recto ang hamon
na lalo pang iiangat ang lalawigan sa pagiging primyado
at nagunguna at kilalanin hindi lamang sa bansa at international
level.
Bilang
isang Punong Ehekutibo ng lalawigan at mabuting maybahay
ni Sen. Ralph Recto, ipinagpipitagan niya na si “Gov.
Vi” ay “straight” mamahala at “Lalaki
siyang kausap” pagdating sa mga usapin sa pulitika
at para sa ikasisigla ng ekonomiya ng Batangas. Ito ang
mga katangian na nagbigay daan para parangalan siya ng “People
Asia Magazine”.
Isinusulong
ni “Gov. Vi” ang H.E.A.R.T.S. program kung saan
bibigyan ng kaukulang pansin ang mataas na antas ng Edukasyon
at ang pagpapaunlad ng mga “Cooperative at Micro-financing
programs” sa buong lalawigan.
Sa
tuwina ay sinasambit ni “Gov. Vi” na “Ako
ay isang babae at isang butihing ina rin”, na sa mga
aspetong ito ay makikitaan siya ng husay at kakaibang talino.
Mahalaga para sa kanya ang pagmamahal ng pamilya at taimtim
na dalangin sa Diyos. Sa pamilya siya kumukuha ng lakas
at determinasyon para makapagsilbi ng ayos at marangal sa
kanyang nasasakupan. Ang pamilya ang dahilan kung bakit
patuloy siyang lumalaban para sa kaunlaran ng bagong Batangas,
at ito rin ang inspirasyon ni Governor Vilma Santos-Recto
sa bawat adhikain na nais niyang maipamahagi sa bawat Batangueno.